^

PM Sports

St. Benilde umangat

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nag-ambag ng 35 puntos sina Yankie Haruna at Clement Leutcheu upang iangat ang St. Benilde Blazers sa 84-68 panalo kontra sa Jose Rizal Heavy Bombers kahapon sa pagpapatuloy ng 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Mula sa dikit na 41-37 sa kalagitnaan ng ikatlong yugto umarangkada ang Blazers ng 26-9 rally para lumayo sa 67-46 sa umpisa ng payoff period.

Tumapos si Haruna ng 18 puntos, pitong rebounds at dalawang assists habang ang Senegalese import na si Leutcheu ay tumulong ng 17 puntos at 19 rebounds para sa kanilang pang-siyam na panalo sa 17 laro at higitan ang kanilang 4-14 slate sa nakaraang taon.

Bukod kay Haruna at Leutcheu, gumawa rin ng 12 puntos, siyam na rebounds at walong assists si Justine Gutang para sa Blazers.

“I thought we started out slow this game, but we were able to pick it up in the second half. I’ve been telling them that whatever happens this season, we should end up with a win. We have one more game left and we are hoping to win that game,” sabi ni CSB coach TY Tang.

Ang St. Benilde ay umaasang aaksyunan ng Management Committee ang kanilang kahilingan na imbestigahan ang host Perpetual Help Altas bunga ng paglalaro ng apat na players sa isang liga habang nasa kanilang residency period sa nakaraang taon na labag sa patakaran ng NCAA.

Sa ibang laro, kinumpleto ng Mapua Cardinals ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng paglampaso sa Arellano Chiefs, 91-78 upang makuha ang pang-anim na panalo sa 18 laro at lampasan ang kanilang 3-15 finish sa nakaraang taon.

vuukle comment

NCAA BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with