^

PM Sports

Guiao tuloy ang takbo sa Kongreso

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy pa rin ang plano ni Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao na tumakbo sa Kongreso sa kabila ng napipintong paghawak niya nang tuluyan sa Phi-lippine men’s national basketball team.

Dati nang kinatawan ng Unang Distrito ng Pampanga, inamin ni Guiao na susubok siyang muli na mahalal bilang Mambabatas ng Unang Distrito sa darating na eleksyon sa susunod na taon.

Sa katunayan ay nakatakda na siyang magpasa ng kanyang Certificate of Candidacy ngayong linggo na siyang simula ng pagsusumite ng mga papeles ng mga kandidato para sa mid-term elections.

“As per my plan, I will still file my certificate of candidacy for congress next week. So ganun tuloy pa rin ang plano,” aniya.

Kung sakali namang mahalal ay handa aniya si Guiao sa mahirap na double-duty lalo na’t siya na ang napipisil na susunod na hahawak ng national team simula ngayon.

“Oo, patay na ako sa oras niyan sigurado.”

Sa ngayon, wala pang pinal na anunsyo ang SBP ngunit ayon kay Guiao ay wala siyang inaasahang magbabago sa ugnayan ng dalawa at sa pagkakatalaga sa kanya bilang head coach lalo’t mayroon na aniya silang naunang ‘pagkaka-unawaan’.

“Wala pa naman silang formal announcement but we’ve already had some understanding. We will wait for the formal announcement of the SBP. So, wala naman akong alam na mag-iiba,” pagtatapos ni Guiao.

Magugunitang nitong nakaraang buwan lang ay ginabayan ni Guiao sa impresibong 5th place finish — pinakamataas na puwesto ng Pilipinas sa loob ng 16 taon — ang Gilas sa katatapos lamang na 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia sa kabila ng maikling prepasyon.

Matapos ito ay dinala niya sa 1-1 na baraha ang Gilas kontra sa Iran at Qatar sa fourth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers upang mapanatiling nakabuntot ang koponan hawak ang 5-3 kartada sa likod ng Group F leaders na Australia (7-1) at Iran (6-2).

Mahigit isang buwan mula ngayon ay sasalang uli si Guiao kasama ang inaasahang mas solidong koponan sa fifth window ng Asian Qualifiers — na daan patungo sa 2019 World Cup sa China — kontra sa Kazakhstan sa Nobyembre 30 at sa Iran sa Disyembre 3.

Mula kasi sa 16-man training pool ngayon, inaasahang lulobo ito sa mahigit 20 dahil sa napipintong pagbabalik ng mga suspendidong manlalaro na sina Andray Blatche, Terrence Romeo, Troy Rosario at Jayson Castro gayundin ang mga pilay na sentro na sina June Mar Fajardo (shin injury) at Greg Slaughter (left ankle sprain).

vuukle comment

KONGRESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with