^

PM Sports

DLSU tambak sa Ateneo

Francisco Cagape - Pang-masa
DLSU tambak sa Ateneo
Naipit si Angelo Kauame ng Ateneo nina Justine Baltazar at Brandon Bates ng La Salle.
PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Tinambakan ng nag-depensang Ateneo Blue Eagles ang karibal na De La Salle Green Archers, 71-55 upang ipakita ang seryosong asam na  back-to-back title kahapon  sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Umabot sa 18 puntos ang malaking panalo ng Blue Eagles, 66-48 mula sa pitong puntos na kalamangan sa first half. Mula doon, hindi na nakalapit pa ang 80th season runner-up Green Archers.

Naging hadlang din sa Green Archers ni coach Louie Gonzales ang kanilang 27 turnovers na sinamantala ng Blue Eagles para kumapit sa 66-53 bentahe mahigit 1:22 pa ang natitira. Ang tropa ni coach Tab Baldwin ay gumawa lamang ng 12 puntos sa buong laro.

Pinangunahan ni Angelo Kouame ang Blue Eagles sa kanyang 20 puntos, 13 rebounds, limang blocks at tatlong steals upang manatili sa ikalawang puwesto sa 5-1 win-loss kartada sa likuran ng nangunguna at wala pang talong Adamson Falcons (5-0).

Sa kanilang talo, bu-maba naman ang Green Archers sa solo fourth spot sa 3-3 slate. Umani si Aljun Melecio ng 21 puntos at anim na assists para sa DLSU.

Hindi naman nagpahuli ang University of Sto. Tomas Growling Tigers matapos magpaulan ng 16 triples tungo sa 80-66 panalo laban sa University of the East Red Warriors upang  masungkit ang ikalawang panalo sa anim na laro.

Umani ng limang triples si Renzo Subido habang tig-tatlo naman sina Marvin Lee at CJ Cansino.

vuukle comment

DLSU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with