^

PM Sports

Blackwater, Phoenix bagong playoff contenders

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Tunay nga kaya ang ratsadang ipinapakita ng Blackwater at Phoenix Petroleum? Ano ang nangyayari sa San Miguel Beer? Mananatili kaya ang nakikitang pagbabago sa balanse ng PBA?

Ito ang mga katanungan sa isip ng mga PBA fans papalapit sa ikalawang bahagi ng one-round-robin elimination phase ng season-ending Governors’ Cup.

Medyo nabago ang balanse ng liga dahil sa pagpapakita ng bagong kakisigan ng mga koponan nina coaches Bong Ramos at Louie Alas.

“Sa isip ko, yes. Sa isip ng mga players ko, yes we’re for real,” sagot ni Ramos sa katanungan ng isang sportswriter kung tunay kaya o baka “fluke” lang ang 4-0 franchise record start ng Blackwater sa torneo.

Ganoon din ang katanungan ng mga Pinoy basketball fans sa 5-1 start ng Phoenix Fuel Masters.

Ani coach Louie Alas, determinado silang ituloy ang ratsada at umaasa silang hindi lang basta makapasok sa playoffs kung hindi makatungtong sa Top Four upang makakuha ng twice-to-beat incentive sa quarterfinals.

“Pang-laban na ba talaga ang team mo?” bulong ko kay kosang Louie.

“We’re one point guard away. At tinitignan ko ang parating na rookie draft para d’yan,” ani Alas.

Parehong formula ang tangan ng Blackwater at Phoenix sa kanilang mainit na panimula sa Governors’ Cup.

Numero uno, epektibong bagong sistema sa ilalim ng bagong coach. Numero dos, parehong maaasahang imports -- Henry Walker para sa Blackwater at Eugene Phelps sa Phoenix. Numero tres, nag-mature na ang mga batang manlalaro ng dalawang koponan at sanay na sa laban sa PBA.

At malaking bagay sa Phoenix ang pagpasok ni Calvin Abueva. “Kahit saang team mapunta ‘yan, game-changer ‘yan,” ani Alas.

Malamang na tutuhog ng puwesto sa playoffs ang dalawang koponan na ito. Ang katanungan ay kung hinog na sila sa playoff battle.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with