^

PM Sports

Gilas Pilipinas sasabak sa Iran

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Gilas Pilipinas sasabak sa Iran
Chris Standhardinger
File

MANILA, Philippines – Tangkang makabingwit ng malaking isda ang Gilas Pilipinas sa katauhan ng bigating Iran sa simula ng krusyal na second round ng 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers ngayon sa Azady Gym sa Tehran, Iran.

Magaganap ang laban sa alas-8:30 ng gabi (Manila time) kung saaan makikilatisan ang bagong bihis na pambansang koponan kontra sa Iran, hangad makabawi agad mula sa kabiguan nito sa Asian Games.

Ito ang unang pagkakataon na magbabalik-aksyon sa Asian Quali-fiers campaign ang bansa, dalawang buwan matapos ang malaking gulo kontra sa Australia noong nakaraang Hulyo.

Nag-resulta ang natu-rang insidente sa pagkakasuspinde ni head coach Chot Reyes (isang laro), top deputy Jong Uichico (tatlong laro ) at 10  manlalaro na nagresulta sa pagbuo ng bagong koponang magpapatuloy ng misyon ng bansang makabalik sa World Cup sa ikalawang sunod na edisyon simula noong 2014.

Naatasang mamuno ng team si coach Yeng Guiao na pinangalanan na rin ang kanyang pinal na 12 manlalarong mamumuno sa kampanya ng koponan mula sa 16-man pool ng Pinas na maituturing na isa sa pinakamalakas sa kasaysayan ng bansa.

Ito ay sina Paul Dalistan, Alex Cabagnot, Scottie Thompson, Marcio Lassiter, Allein Maliksi, Gabe Norwood, John Paul Erram, Raymond Almazan, Beau Belga, Asi Taulava, Ian Sangalang at Christian Standhardinger.

Hindi nakasama sa pinal na line-up si Greg Slaughter bunsod nga ng iniinda pang left ankle injury habang si Stanley Pringle naman ay hindi muna makakalaro dahil si Standhardinger ang napi-ling naturalized player ng koponan.

Dahil parehong hindi nakakuha ng Philippine passport bago mag-16 anyos, hindi pa naitutu-ring ng FIBA na lokal na manlalaro sina Pringle at Standhardinger kaya’t isa lamang ang puwedeng maglaro sa kanila bilang naturalized player.

Magsisilbi rin ng kanilang isang larong suspensyon sina Japeth Aguilar at Matthew Wright ngunit inaasahang makakasali na sa koponan kontra Qatar sa Setyembre 17 na gaganapin sa Smart-Araneta Coliseum.

Kagagaling lang ng Iran sa masaklap na silver medal finish sa likod ng China sa 18th Asiad sa Jakarta, Indonesia kaya’t siguradong sabik itong makaganti agad sa kung sino ang unang kalaban sa kanilang harapan.

Tatrangkuhan ng 7’2 higante na si Hamed Haddadi ang koponan kasama ang katambal na wingman na si Nikhah Bahrami.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with