^

PM Sports

PSC kumpiyansang makakamit ng bansa ang overall championship sa 2019 SEA Games

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng ma­la­king pagtitiwala si Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ra­­mirez sa ka­ka­yahan ng mga Pinoy ath­letes sa pagpitas mu­li sa overall title sa darating na 30th Southeast Asian Games na gaganapin dito sa bansa sa susunod na ta­on.

Sinabi kahapon ni Ra­mirez na kung hindi pa magkampeon ang Pilipinas sa 2019 SEA Games, hindi na lamang nito itu­tuloy ang ikaapat na hos­ting ng bansa sa nasabing biennial games.

“I have faith in our ath­letes ang our capabi­lity to win the SEA Games. We did it before, so there is no reason why, we can’t win the overall championship again. Ba­kit pa tayo mag-host kung hindi naman tayo mag-champion,” sabi ni Ramirez sa press confe­rence sa PSC conference hall.

Kung matatandaan ay unang nakamit ng ban­sa ang overall championship sa isinagawang SEA Games dito noong 2005.

Sa hindi sinasad­yang pagkakataon ay si Ra­mi­rez din ang chairman ng PSC sa panahong iyon sa ila­lim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Ma­capagal-Arroyo.

Ang unang hosting ng bansa sa SEA Games ay no­­ong 1981 kung saan tu­mapos ang Pilipinas sa third overall sa hinakot na 55-55-77 gold-silver-bronze me­­dals sa likuran ng In­donesia (85-73-56) at Thailand (62-45-41).

Sa ikalawang hosting noong 1991 ay puma­nga­la­wa naman ang mga Pinoy athletes sa hinakot na ka­­­buuang 91-62-86 gold-silver-bronze medals sa li­­kuran ng overall  champion na Indonesia na na­ka­li­kom ng 92-86-67 medalya.

Ngunit sa ikatlong hosting noong 2005 ay tuluyan nang inangkin na ng Pilipinas ang overall crown sa ka­buuang 112-85-93, ha­bang pumangalawa naman ang Thai­land sa 87-79-117 medalya.

“We are familiar with the SEA Games. We have been there several times already. We know, we can win the overall crown. I am a believer of our athletes capability,” dagdag ni Ramirez.

Sa unang pagtatagpo nina Ramirez, 2019 SEA Games Organizing Committee chairman at Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Caye­tano at Philip­pine Olympic Committee president Ricky Var­gas ay itinakda ang SEA Games simula sa Nobyembre 29 hangang sa unang linggo ng Dis­yembre sa susunod na taon sa New Clark City sa Tarlac na siyang magiging main hub ng mga nakalatag na sports events.

vuukle comment

2019 SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with