Navotas, Rizal wagi sa MPBL
MANILA, Philippines — Nagtala ng panalo ang Navotas Clutch at Rizal Crusaders sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup sa Pasig Sports Center noong Marets ng gabi.
Minasaker ng Clutch ang Pasig Pirates, 97-70, habang tinakasan ng Crusaders ang Zamboanga Valientes, 77-73.
Umiskor ng league-record na 36 points sa third quarter, tinapos ng Navotas ang kanilang three-game slide para itaas ang 3-3 baraha.
Bumangon naman ang Crusaders mula sa 11-point deficit sa fourth quarter para wakasan ang three-game winning streak ng Valientes.
Itinayo ng Clutch ang 80-43 abante sa pagpinid ng third period kasunod ang pagpapahinga ni head coach Richie Ticzon sa kanyang starting five.
Umiskor si Matthew Salem ng 14 points para sa Navotas kasunod ang tig-13 markers nina Gino Jumao-as, Levi Hernandez at Michole Sorela.
- Latest