^

PM Sports

Blu Girls may tsansang pumasok sa medal round

Mae Balbuena - Pang-masa

JAKARTA —Tahimik na umusad ang Philippine Blu Girls sa women’s softball ng 18th Asian Games na gi­naganap sa GBK softball field.

May tatlong panalo na ang Phl softbelles upang pangunahan ang torneo.

Blinangko ng mga Pinay ang mahinang Hong Kong 8–0 noong Linggo, habang naungusan nila ang bi­gating China, 1-0 sa dikdikang labanan kamakala­wa ng gabi matapos pasadsarin ang malakas ding Ko­rea, 5-3.

Kasalukuyan pang nakikipaglaban ang mga Pi­nay softbelles sa Asain champion at No. 1 team na Ja­pan habang isinusulat ito kung saan ang panalo ay maglalapit sa kanila sa medal round.

“That is what we are aiming for (beat Japan),” pa­ha­yag ng team captain Chezka Altamonte. “We just don’t want to duplicate our effort in the Asian Championships but surpass it. Our team is in high spirit and we got fired up by the support of the local here.”

May dalawang laro ngayon ang Phl softbelles laban sa host Indonesia sa alas-12:30 ng tanghali (1:30 p.m. Manila time) at Chinese-Taipei sa alas-8:00 ng gabi (9 p.m. Manila time).

Kailangang tumapos ang mga Pinay sa top two para makasiguro ng bronze medal.

Sa final round ay maghaharap ang No. 1 at No. 2 teams gayundin ang No. 3 at No. 4.

vuukle comment

ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with