^

PM Sports

Lady Maroons kakapit sa No. 4

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Manatili sa Top 4 ang hangad ng University of the Philippines sa pakikipagtipan nito sa College of Saint Benilde sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Lalarga ang nag-iisang laro sa women’s division sa pagitan ng Lady Maroons at Lady Blazers sa alas-4.

Nakahimpil ang UP sa ikaapat na puwesto hawak ang 2-2 baraha sa ilalim ng nangungunang Santo Tomas (5-0), Adamson University (4-0) at Far Estern University (4-1).

Nakabuntot naman sa No. 5 ang Benilde at San Beda University na may parehong 1-3 marka.

Nais ng Lady Maroons na makabangon mula sa 22-25, 25-19, 23-25, 24-26 kabiguan sa kamay ng Lady Falcons noong Linggo.

Maganda naman ang inilaro ng UP kung saan parehong gumawa ng 15 puntos sina Marian Buitre at Isa Molde habang nagdagdag ng tig-10 sina Ai Gannaban at Lorie Bernardo, at siyam kay rookie Nicole Anne Magsarili.

Naging pasakit lamang sa Lady Maroons ang 33 errors na nagawa nito partikular na service area sa mga krusyal na sandali para tuluyang malugmok.

Sa kabila nito, nananatiling optimistiko si UP mentor Godfrey Okumu dahil tiyak na maraming matututunan ang kaniyang bataan upang mas mahasa ito para sa UAAP season.

“In time, I believe the young players will do this team proud,” wika ni Okumu.

Lumalaban din ang Lady Blazers.

Nagawa nitong pahirapan ang Tigresses bago isuko ang 24-26, 27-29, 17-25 desisyon sa kanilang huling laro.

Pangunahing sinasandalan ng Benilde si Maritess Pablo – ang nakababatang kapatid ni reigning Reinforced Conference MVP Myla – gayundin sina Klarissa Abriam at Arianne Daguil.

Nariyan din si playma-ker Jewel Lai na dating ace setter ng Lady Maroons.

Sa men’s division, maghaharap ang National University (5-0) at De La Salle University (1-4) sa alas-9 ng umaga kasunod ang duwelo ng FEU (2-3) at Arellano (0-5) sa alas-11 ng umaga at ng Benilde (3-2) at UP (3-2) sa ala-una.

Papalo rin ang engkuwentro ng UST (5-0) at San Beda (2-3) sa alas-6 ng gabi.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with