^

PM Sports

Natuloy ang Ginebra celebration kahit masama ang panahon

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maging ang malakas na buhos ng ulan ay hindi napigilan ang pagdiriwang ng Barangay Ginebra kasama ang libu-libo nitong taga-suporta sa ginanap na victory party kahapon sa Metrotent Convention Center sa Pasig City.

Kumpleto ang koponan sa ginanap na victory party apat na araw matapos ang kanilang kampeonato sa katatapos lamang na 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup.

Magugunitang noong nakaraang Miyerkules ay sinibak ng Gin Kings ang dating kampeon na San Miguel sa Game 6, 93-77,sa Mall of Asia Arena sa Pasay City para sa kauna-unahan nitong Commissioner’s Cup title sa loob ng 21 taon.

Pinangunahan nina San Miguel Corporation (SMC) Sports Director at Ginebra team governor Al Francis Chua at head coach Tim Cone ang naturang pagdiriwang ng unang mid-season conference championship ng Gin Kings simula 1997.

Dumalo rin sina Finals Most Valuable Player Scottie Thompson, Greg Slaughter, Joe Devance, LA Tenorio, Japeth Aguilar, Mark Caguioa gayundin ang Best Import na si Justin Brownlee.

Nasa pagdiriwang din ang iba pang Gin Kings na sina Jeff Chan, Jett Manuel, Aljon Mariano, Kevin Ferrer, Julian Sargent at Jervy Cruz.

“I wish all the coaches in the world would be the coach of Ginebra for at least one day just so they can experience how happy I am to be the coach of Ginebra,” ani Cone na nakuha ang kanyang ika-21 kampeoanto sa kabuuan ng kanyang 29 taong karera sa PBA.

Ito na ang kanyang ikatlong kampeonato kasama ang Ginebra sa loob ng tatlong taon si-mula nga ng hawakan ang koponan noong 2015.

Hindi naman magi-ging matagal ang pagdiriwang ng Gin Kings dahil magbabalik aksyon na agad ito sa Agosto 17 sa pagsisimula ng pagdedepensa ng isa pa nitong kampeonato sa season-ending conference na Governors’ Cup.

vuukle comment

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with