^

PM Sports

Kukunin na ng Ginebra

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na bago sa San Miguel ang maiwanan sa isang serye.

Noong 2016 PBA Philippine Cup Finals ay nabaon ang Beermen sa 0-3 bago angkinin ang sumunod na apat na laro sa kanilang best-of-seven championship series ng Alaska Aces at agawin ang korona.

Ito ang unang pagkakataon na may koponang na-kabawi mula sa 0-3 pagkakabaon at angkinin ang serye.

“Obviously, we don’t want to go to Game Seven with San Miguel Beer,” sabi ni Barangay Ginebra coach Tim Cone. “They’re too explosive. Any given night, they can put in a hundred points.”

Hawak ang 3-2 bentahe sa kanilang serye, pipilitin ng Gin Kings na tapusin ang kanilang bakbakan ng Beermen ngayong alas-7 ng gabi sa Game Six ng 2018 PBA Commissioner’s Cup Finals sa MOA Arena sa Pasay City.

Matapos kunin ng San Miguel ang 2-1 bentahe buhat sa dalawang sunod na panalo ay inangkin naman ng Ginebra ang Game Four, 130-100 at Game Five, 87-83 para makalapit sa inaasam na pang-11 PBA championship sa kanilang pang-25 finals appearance.

Sa nasabing panalo ng Gin Kings sa Game Five ay nagtala si Scottie Thompson ng 20 points at 11 rebounds habang tumapos si Best Import Justin Brownlee na may 18 markers mula sa malamyang 8-of-21 fieldgoal shooting.

Nasayang naman ang kinolektang 34 points at 20 boards ni reinforcement Renaldo Balkman sa panig ng Beermen.

“We got that crucial Game 5,” wika ng two-time PBA Grand Slam champion mentor na si Cone, hangad ang kanyang pang-21 PBA title. “But we gotta make sure that we don’t win the battle and then lose the war. The war is still out there.”

Ang panalo ng Ginebra ang magwawakas sa perpektong 6-of-6 record ng San Miguel sa PBA Finals.

“We need to win two games to defend our title. And we’re capable, because we beat them in Game 2 and 3. They beat us in the first game, we beat them two in a row. Then, they beat us two in a row,” wika ni Beermen bench tactician Leo Austria. “It might be our turn to have another two in a row.”

Naniniwala din si one-time PBA MVP Arwind Santos na makakatabla ang San Miguel para maipuwersa ang Game Seven sa Biyernes.

“Sabi nga ng bawat isa sa amin, ‘yung 0-3 naka-survive kami, ito pang isang panalo lang, hindi ba,” wika ni Santos.

vuukle comment

PBA PHILIPPINE CUP FINALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with