^

PM Sports

Lamang na lamang ang Victorious Filly

Vince Nuguid - Pang-masa

MANILA, Philippines – Lamang na lamang sa ika-anim na karera ang kabayong Victorious Filly na sasakyan ng isa sa pinakamagagaling na hinete ngayon na si Jockey OP Cortez na magaganap mamaya sa pista ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang kabayong Victorious Filly ay isang PCSO 2YO Maiden Race winner. Tinalo nito ang Disyembreasais na Hopeful Stakes Race winner at Cabo Neg-ro na kilalang pang-Stakes Race din ang kalidad.

Nangyari ito noong Nov. 11, 2017 sa pista ng Sta Ana Park Naic, Cavite. Sa nasabing karera, nakauna ang Victorios Filly pero pilit na hinahabol ng kaba-yong Cabo Negro mula largahan hanggang rektahan pero pagdating sa last 100 meters ay biglang sumulpot ang Disyembreasais para kunin ang segundo puwes-tong pagtatapos.

Nakapagtala ito ng kwartos na 7’ 22’ 22’ 25’ para sa 1:17.4 pagtatapos sa 1,300m na isa sa pinakamabilis na oras ng pagtatapos sa nasabing distansya kahit na medyo umalalay na ang hinete nito bago dumating sa meta.

Nanalo rin ang Victorious Filly sa 4th Pasay Mayor Tony Calixto Cup na isang Major Stakes Race noong Dec 31 2017 kung saan nilampaso nito ang Hot To Trot, Sweet Dreams, Sheer at nanalo pa na may anim na katawan sa sumegundong Sweet Dreams.

Nakalaban rin nito ang kabayong nanalo sa 3rd Leg ng Triple Crown ngayong taon na Victorious Colt noong Mar. 15 kung saan siya pa ang Outstanding Favorite sa nasabing laban pero tinalo nga ng Victo-rious Colt na sinakyan ng hineteng sasakay sa Victorious Filly mamaya na si Jockey OP Cortez.

vuukle comment

VICTORIOUS FILLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with