^

PM Sports

Lalong tumitindi ang laban sa PSL Invitational

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Haharapin ng nag-dedepensang Cignal HD ang F2 Logistics habang magtatagpo naman ang Petron Blaze at Smart-Army sa knockout semifinals ngayon sa pagpapatuloy ng 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga Invitational Conference  sa Muntinlupa City Sports Center.

Tiyak ang mainit na laban ng Cignal HD Spikers at F2 Logistics Cargo Movers sa alas-6 ng gabi pagkatapos ng harapan ng Petron Blaze Spikers at Smart-Army Giga Hitters sa alas-4 ng hapon.

Pag-aagawan naman ng Sta. Lucia Lady Realtors at Generika-Ayala Lifesavers ang pang-limang puwesto  sa alas-2 ng hapon.

Nasungkit ng HD Spikers at Blaze Spikers ang outright semifinal berth matapos pagharian ang kanilang magkahiwalay na grupo kaya maaga silang nakapagpahinga upang paghandaan ang do-or-die semifinal round.

Ang mananalo sa one-game semis ay maghaharap naman sa best-of-three Finals simula sa Martes habang ang matatalo ay magtatagpo sa one-game bronze medal match sa parehong araw.

Pinakahuling pumasok sa semis ang Smart-Army ni coach Kungfu Reyes matapos walisin ang Generika-Ayala, 25-19, 25-22, 25-21 sa knockout quarterfinals noong Huwebes sa The Arena sa San Juan City.

Pinangunahan ng mga bateranong sina Nene Bautista at Joanne Bunag ang Giga Hitters sa kanilang tig-walong puntos bawat isa habang si team captain Ging Balse ay umani rin ng pitong puntos at 15 digs para ia-ngat ang Smart sa magandang kampanya pagkaraang tumapos sa huling puwesto sa nakalipas na Grand Prix conference.

Haharapin ng Giga Hitters ang Petron Blaze Spikers na tumalo sa isa ring title contender na F2 Logistics Cargo Movers, 25-16, 21-25, 25-20, 26-24 sa huling laro ng preliminary round para masungkit ang top spot ng Pool A at angkinin ang outright semis berth noong Hulyo 14.

 

vuukle comment

PSL INVITATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with