^

PM Sports

Magandang simula ng Mapua Cardinals

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagwagi ang Mapua Cardinals laban sa Jose Rizal University Heavy Bombers, 72-60 para sa magandang umpisa sa kanilang kampanya kahapon sa pagpapatuloy ng 94th NCAA Men’s Basketball Tournament “NCAA on Tour” sa JRU Gym sa Mandaluyong City.

Gamit ang kanilang bentahe sa size at height, hindi binigyan ng pagkakataon ng Cardinals ang host team na lumamang tungo sa kanilang magandang panalo at sumama sa San Beda Red Lions at Lyceum Pirates sa sosyohan sa liderato sa pare-parehong 1-0 kartada.

Nagawa lamang ng Heavy Bombers na dumikit sa 47-50 sa kaagahan ng huling yugto ngunit lumayo uli ang Cardinals sa arangkada nina Warren Bonifacio at Laurenz Victoria upang tuluyan nang ilaglag ang Bombers sa unang laro pa lamang.

Pinangunahan ni Victoria ang Cardinals sa kanyang 11 puntos at 10 naman mula kay Bonifacio habang tumulong din ng siyam na puntos si Eric Jabel.

Sa juniors division, bumawi naman ng home team JRU Light Bombers sa kanilang 80-70 panalo laban sa Mapua Red Robins.

Samantala, magpapatuloy ang NCAA basketball tourney ngayon sa paghaharap ng  Lyceum Pirates at Emilio Aguinaldo College Generals sa alas-12 ng tanghali at hangad naman ng San Sebastian Stags na bumangon agad sa kanilang opening day loss sa pakikipagtagpo sa College of St. Benilde Blazers sa alas-2 ng hapon sa The Arena sa San Juan City.

Asam din ng host University of Perpetual Help Altas na bumawi sa kabiguan noong Sabado sa pagharap sa Letran Knights sa alas-4 ng hapon. 

Nabigo ang Altas ni coach Frankie Lim sa defending champion San Beda Red Lions, 67-65 sa opening day.

Kung magwawagi ang runner-up noong nakaraang taon na Lyceum,  masosolo nila ang liderato matapos nilang talunin ang San Sebastian Stags, 85-80, noong Sabado sa MOA Arena kung saan umiskor ng 25 puntos si Mike Nzeusseu at 15 naman mula kay Jaymar Perez.

Sa secondary competition, magtatagpo naman ang Lyceum Junior Pirates at EAC Brigadiers sa alas-8 ng umaga kasunod ang laban ng SSC-R Staglets at CSB-DLSU Greenies sa alas-10.

Magtatagpo naman ang Perpetual Help Altalettes at Letran Squires sa alas-6 ng gabi.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with