^

PM Sports

MPBL Anta Datu Cup hahataw na

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Masusubukan ng runner-up ng nakaraang Anta Rajah Cup Muntinlupa Cagers ang husay ng baguhang Mandaluyong El Tigre habang magtatagpo naman ang Marikina at Gen. Santos City sa pagbubukas ngayon ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Datu Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Pangungunahan ni UAAP at ABL MVP Bobby Ray Parks ang Mandaluyong laban sa Muntinlupa na aasa naman kina Chester Saldua at Allan Mangahas sa kanilang paghaharap sa alas-9:30 ng gabi.

Sa unang laro, magtatagpo ang baguhang Gen. Santos City at Marikina Shoemakers nina movie at TV actor Gerald Anderson, John Paul Calvo at Philip Butil sa alas-7: 30 ng gabi pagkatapos ng opening cere-monies sa alas-7 na dadaluhan ni MPBL founder at Sen. Manny Pacquiao.

Bukod kay Parks Jr., ang iba pa sa El Tigre ni coach Mac Cuna ay sina JR Alabanza, dating PBA standout Josan Nimes, Mark Andaya, dating La Salle star Prince Rivero, John Vidal, Gian Lloyd  Abrigo at Jeff Javillonar.

Umabot sa 26 koponan kasama na ang 10 sa nakaraang conference ang sumabak sa ikalawang conference ng home and away league kabilang na ang apat mula sa Mindanao sa pangunguna ng Davao Occidental Tigers, Zamboanga Valientes-MLV, General Santos City Warriors at Basilan Steel habang ang Cebu Sharks ay ang kaisa-isang koponan mula sa Visayas.

Mapapanod ang MBPL sa ABS-CBN S+A at S+A HD. Para sa mga impor-masyon at bumisita sa sports.abs-cbn.com o kaya sundan ang @abscbnsports sa Facebook at Twitter.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr on Facebook, Twitter, at Instagram.

vuukle comment

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with