^

PM Sports

Romeo alanganin sa PBA All-Stars

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Romeo alanganin sa PBA All-Stars

MANILA, Philippines — Posibleng hindi maka-laro sa paparating na 2018 Philippine Basketball Association (PBA) All-Star Weekend ang Talk ‘N Text star guard na si Terrence Romeo. 

Ito ay matapos siyang magtamo ng ankle sprain sa 120-101 panalo ng KaTropa kontra sa Blackwater Elite kamakalawa.

“Natapilok ako. Natapakan ko paa ni Renz. Pagdating sa dugout, hindi na talaga kaya,” ani Romeo na hindi na nakapaglaro sa buong second half.

Bukod dito, inamin ni Romeo na sumasakit din ang dati niyang pilay sa tuhod kaya’t ininuman niya ng painkiller bago madale ng isa na namang injury.

Nagtapos siya na may 12 puntos, apat na rebounds at dalawang assists sa 15 minutong aksyon lamang.

“Pahinga lang. Normally pag ganito, pinakamababa na ‘yung one week. Bahala na. Obsersahan ko,” dagdag niya.

Sandamakmak ang sasalihan ni Romeo sa paparating na All Star sa May 23-27 na gaganapin sa tatlong magkakaibang syudad.

Maglalaro siya para sa Smart Gilas squad kontra sa Mindanao All Stars sa Mayo 23 sa Digos City, Davao Del Sur.

Kasali rin siya sa national squad na sasalang naman laban sa Luzon All Stars sa Mayo 25 sa Batangas City habang kabilang siya sa Visayas All Stars kontra sa Gilas sa Mayo 27.

Nakatakda niya ring kunin muli ang kampeonato sa Three-Point Shootout kontra sa iba pang pinakamagagaling na shooters ng PBA sa side event ng All Star spectacle sa Mayo 25 sa Batangas.

Kahapon, isinapubliko ni Romeo ang pina-kabagong status ng kanyang kaliwang sakong na namamaga at namumula pa rin.

Bunsod nito, walang kasiguraduhan kung makakapag-participate siya sa pinaka-inaabangang PBA All Stars.

vuukle comment

TERRENCE ROMEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with