^

PM Sports

Mbala nag-react din sa MPBL

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Patuloy ang pagdami ng personalidad na naghahayag ng kanilang kritisismo sa kontrobersyal na one Filipino-Foreign player 6’4 and under per team ng Maharlika Pilipinas Basketball League.

Pinakabago nga rito ay ang dating University Athletic Association of the Philippines import na si Ben Mbala.

Idinaing ng high-flying Cameroonian na si Mbala ang aniya’y hindi makatarungan batas sa kanyang official social media account kamakailan.

“Y’all need to get your ** together. Half or full blood is still Filipino,” anang dating manlalaro ng De La Salle University.

Dalawang taong naglaro si Mbala para sa Green Archers na nadala niya sa dalawang sunod na kam-peonato. Nagbunga ito ng isang kampeonato at dalawang Season Most Valuabler Player plum para sa kanya bago magdesisyong subukan ang kanyang kapalaran sa professional league.

Ni-representa na rin niya ang Cameroon sa AfroBasket at ngayon ay kasalukuyang naglalaro sa pro league sa France.

Minsan na ring nasentro si Mbala sa usaping kaugnay nito nang umugong ang panawagang pagbawalan na ang pagkakaroon ng import sa collegiate basketball kaya’t hindi naiwasang magkomento sa kaparehong kontrobersyal na batas na ito ng MPBL.

Inulan ng batikos ang MPBL matapos papiliin ang expansion team na Mandaluyong El Tigre ng isa lamang kina Lawrence Domingo at Rayray Parks Jr. — pawang Filipino-Americans — para maglaro sa kanilang koponan bunsod ng one Fil-Foreign rule.

Ayon sa MPBL, paraan ito upang mapanatili ang balanse ng liga at mas mabigyan ng pagkakataon ang mga homegrown Filipino players.

vuukle comment

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with