^

PM Sports

San Miguel import posibleng sibakin

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Malamang mapauwi na si San Miguel Beer import Troy Gillenwater sa mga susunod na araw dahil sa hindi magandang performance sa unang dalawang laro ng mga Beermen sa PBA Commissioner’s Cup.

Dapa ang San Miguel kontra Meralco (85-93) at muling nasikwat sa kanilang kasunod na laro laban sa Rain or Shine (119-123 sa overtime).

Ang hindi ko maintindihan ay bakit hindi ka­agad nakita ang kahinaan ni Gillenwater samantalang narito na siya sa bansa bago pa pumasok sa Phi­­lippine Cup finals ang San Miguel.

Mukhang hindi rin nila nabalikan ang showing ni Gillenwater sa Mighty Sports sa kanilang Jones Cup title run sa Taipei noong 2016.

Personal kong nasundan ang Jones Cup na iyon kung saan isang katerbang import ang ipinasok ng Mighty Sports kasama si Gillenwater.

Nasa lineup din ang mga beteranong PBA imports na sina Al Thornton, Vernon Macklin, Zach Gra­ham, Mike Singletary, Hamady N’Diaye at ang Ko­rean league hotshot na si Dewarick Spencer.

Ibinulsa ni Spencer ang MVP award, samanta­lang isa pang standout sa tournament na iyon si Thornton (dating NLEX import).

Mababa ang inilaro ni Gillenwater doon na nag­rereklamo ng injury.

Pagkatapos ng talo ng SMB sa Rain or Shine, ini­hayag ni coach Leo Austria na tinitimbang na nila ang kanilang mga options.

Mahaba pa ang tournament pero kailangan ng mag­simulang manalo ng San Miguel kung masasa­ma sa laban para sa Top Two (na may reward na twice-to-beat advantage sa quarterfinals).

Kasama sa options ng San Miguel para ipalit kay Gillenwater si Charles Rhodes at Renaldo Balkman.

Sa nakaraang tatlong taon, hindi nakatikim ang SMB ng 0-2 start sa kahit saang komperensya hanggang sa malasap ang back-to-back losses sa Me­ralco at ROS.

Kailangan nila agad bumangon kung desidido silang habulin ang Grand Slam.  

vuukle comment

TROY GILLENWATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with