^

PM Sports

Pocari bumangon sa naunang kabiguan

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasungkit ng nagdedepensang Pocari Sweat-Air Force ang unang panalo matapos patumbahin ang Banko-Perlas, 15-25, 25-15, 25-18, 25-22,  sa 2018 Premier Volleyball League Season 2 Reinforced Conference kahapon sa People’s Gym sa Tuguegarao City.

Naging motivation ng Lady Warriors ang naunang pag­katalo nila sa nangungunang PayMaya High Flyers, 20-25, 19-25, 22-25, noong Sabado para bumangon agad at pumasok sa win column.

Sa kanilang panalo, nagkaroon ng four-way tie sa ikatlong puwesto kasama ang Pocari, Banko-Perlas, Creamline at Tacloban sa 1-1 card.

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang Cool Sma­­shers at High Flyers ha­bang isinusulat ito.

“Siguro ‘yung talo na­min noong nakaraang araw ang aming naging motivation sa panalo nga­yon. After that loss, nag-usap kami kung ano ang dapat naming ga­win. Sobrang galing din ng Perlas ngayon kaya hirap din kami. Kailangan talaga lahat kami magtulung-tulong para manalo,” sabi ni Poca­ri team captain Myla Pablo.

Umiskor si American import Maddie Palmer ng 16 puntos, kabilang ang 14 atake at dalawang blocks, habang si Arnelie Love ay pumalo ng 15 puntos, ang apat dito ay mula sa blocks para sa panalo ng Lady Warriors.

Si Pablo naman ay nag-ambag ng 15 puntos ka­bilang na ang 11 atake, dalawang blocks at dalawang acess.

May wa­lo naman si Jeanette Panaga at anim mula kay Angel Antipuesto.

Binanderahan nina Thai import Jutarat Mon­tripila at American re­inforcement Lakia Bright ang BanKo Perlas mula sa kanilang tig-18 points.

Nag-ambag naman si Amy Ahomiro ng 10 markers para sa Spikers.

Samantala, humantong naman sa four-way tie para sa ikatlong pu­westo matapos mata­lo ang Creamline sa Ban­ko-Perlas via five sets loss, 25-22, 16-25, 23-15, 25-17, 11-15, noong Sa­bado ng gabi.

Kahit umani ang Thai import na si Kuttika Kaewpin ng 22 puntos at 20 rin kay Alyssa Valdez ay siyam na puntos lamang ang nagawa ni Asceric Nikolina at 10 kay Michelle Gumabao kaya kinapos sila sa bandang huli.

Pinamunuan ni Montripilas ang nasabing unang panalo ng Perlas Spi­kers mula sa kanyang 29 puntos kabilang na ang 25 atake, tatlong aces at isang blocks, 13 digs at 10 excellent reception sa magandang all-around performance laban sa Cool Smashers.

Samantala, lalabanan ng BaliPure ang Petro Gazz sa Miyerkules sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with