Floyd umalis sa bansa na may ngiti
MANILA, Philippines – Tinapos na kahapon ni American boxing great Floyd Mayweather, Jr. ang kanyang masayang pagbisita sa Pilipinas.
Mula sa Manila ay magtutungo ang 41-anyos naretired boxer sa Tokyo, Japan para muling mamasyal at makita ang kanyang mga fans.
Nakatakda ring bumisita si Mayweather sa Alaska bago umuwi sa Las Vegas.
Noong Martes ng alas-2 ng madaling-araw dumating sa bansa si Mayweather sakay ng kanyang private plane na Gulfstream IV.
Ilang oras matapos makapagpahinga ay bumiyahe si Mayweather patungong El Nido, Palawan.
Lumipad ang private plane ni Mayweather mula sa NAIA ng alas-4:10 ng umaga halos tatlong oras lamang mula sa kanyang pamamasyal sa Pearl Farm beach resort sa Davao del Norte at nag-jetski sa Samal Island.
Sinalubong si Mayweather nina Special Assistant to the President Bong Go at dating Ilocos Norte Gov. Chavit Singson sa kanyang pagdating sa Davao.
- Latest