^

PM Sports

Legit ang Columbian Dyip

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Legit ang Columbian Dyip
Caloy Garcia

MANILA, Philippines – Nagbabala si Rain or Shine head coach Caloy Garcia sa iba pang koponan na susukat sa Columbian Dyip.

Ayon sa kaniya, hindi na ganoon kadaling gapiin ang bagong-bihis na koponan tulad ng mga nakaraang kampanya nito sa Philippine Basketball Association.

Ito ay matapos malasap ng Rain or Shine ang kauna-unahang pagkatalo nito sa Commissioner’s Cup nang daigin ng Columbian Dyip, 96-104 kamakailan sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“I expect a lot from Columbian Dyip right now,” ani Garcia. “They’re not the same team like when they came in the league.”

Sa ngayon, nasa gitnang bahagi ng team standings ang Dyip sa mid-season conference tangan ang 3-2 kartada.

Apat na laro pa lamang pero na-triple na ng koponan ang maalat na 1-10 baraha nito noong nakaraang Philippine Cup.

Sa naturang kom-perensya, magugunitang naiskor ng Dyip (dating KIA) ang kaisa-isa nitong panalo kontra sa parehong koponan na Rain or Shine.

“Suki kami ng Columbian. They played better than us,” diin ni Garcia na bago ang laban sa Dyip ay nagabayan ang koponan sa impresibong panalo kontra sa contenders na Alaska, Ginebra at NLEX.

Ngunit higit sa pagkukulang ng kanyang mga manlalaro sa Elasto Painters, kumbinsido si Garcia na malayo ang iginaling ng Dyip kumpara noong nakaraang taon lalo’t binubuo ito ng mga bata at palabang guwardiya na sina RaShawn McCarthy, Jeramy King, Carlo Lastimosa habang ginigiyahan ng solidong import na si John Bailey Fields III.

“We already knew they improved a lot. They have guards that can really score and can create for shooters. They have an import who can score and crash the boards,” diin niya. “Right now, you have to respect everybody. You can’t go in the game thinking you’re going to win right away. You have to work for it.”

Susubok na makabalik sa winning track ang Rain or Shine kontra sa San Miguel sa Linggo sa Ynares Sports Center sa Antipolo City habang hangad ng Dyip ng ikalawang sunod na panalo kontra sa isa uling top contender na Magnolia sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment

COLUMBIAN DYIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with