HoopBattle Championship 3x3
MANILA, Philippines — Nagtambal ang Ayala Malls Synergies Inc. at ang ABS-CBN Sports para sa paglulunsad sa bansa ng HoopBattle Championship (HBC) 3x3 sa iba’t ibang malls simula sa Hulyo 1 sa Glorietta sa Makati at magtatapos sa Hulyo 29 sa Market Market sa Taguig City.
Tinawag na “Vivo HoopBattle Championship Philippines”, kabuuang 48 teams ang dadaan sa isang screening process para makumpleto ang torneo na bukas sa lahat ng players na may edad 18-anyos pataas kasama ang mga women cagers, resident foreigners, professionals at amateurs.
“We’re excited to hold the HoopBattle Championship here in the Philippines and we’re looking forward to a competitive event,” wika ni HBC general manager Temple Deng ng China sa press conference kahapon sa Japan Town sa Vertiz North Ayala sa Quezon City.
Ayon kay Dino Laurena, ang pinuno ng ABS-CBN Integrated Sports, kabuuang P3 milyon ang nakataya sa event kung saan ang top two teams ang kakatawan sa bansa sa HBC Final sa Oktubre sa China.
Nasa media launch din sina AMSIE General Manager Gabby Katigbak at President Rowena Tomeldan at Vivo VP Sales’ Hazel Bascon at Director Annie Lim.
I-download ng mga aspirante ang application sa www.hoopbattle.ph at ang deadline para sa pagsusumite nito ay sa Hunyo 3. Ihahayag ang final list sa Hunyo 10.
- Latest