^

PM Sports

Mas maaga ang karera bukas na magsisimula ng alas-4:30 ng hapon

Pang-masa

MANILA, Philippines — Holiday bukas, araw ng Mayo 1.

Mayroong nagawang walong karera ang San Lazaro Leisure Park at hindi katulad ng dating alas-6:30 ng gabi ang simula, mas maaga ito sa 4:30 ng hapon.

Sa walong karera ay mayroong tatlo na kinabibilangan ng mga kabayong ang edad ay tatlong taon lamang.

Sa ikatlong karera ang mga kasali ay ang Del Monte, My Fave, Rocking Star, Just Mark It, Miss Hooknladder, Indelible Quaker at Great Connection.

Ang Great Connection na sasakyan ni Jordan B. Cordova at pag-aari ng Jade Brothers Farm ang binibigyan ng kaun­ting kalamangan ng mga clockers at tiyempistas.

Sa ikaanim na karera ay ganito rin ang grupo pero anim lang ang mga kabayong tatakbo sa parehong distansiyang 1,300 meters.

Kabilang sa mga kalahok ang mga Synergy, Buckingham Palace, Pleasanton, Case Bell, Go On Eugene at Regina’s Choice.

Ang Case Bell at Go On Eugene ang nasisilip ng mga racing experts na medyo lamang sa grupo.

At ang isa pang three-year-old Group-4 ay nai­lagay naman sa huling karera.

Ang mga kasali rin ay ang Misha, Xia’s Best, Kid Baloloy, Sangat Island, Mucho Complicado, Jacqueline, Congressional at Lourdes Drive. 

Ang Congressional na pag-aari ni Antonio V. Tan Jr. at papatungan ni Jessie B. Guce ang binibigyang pandiin ng mga racing experts.

Ang pamalit naman nila rito ay ang Misha na dati na ring stakes campaigner at papatu­ngan ni Apoy P. Asuncion. -- (JMacaraig)

vuukle comment

SAN LAZARO LEISURE PARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with