^

PM Sports

Navarra inangkin ang Stage 10; Ronda crown amoy na ni Oranza

Pang-masa
Navarra inangkin ang Stage 10; Ronda crown amoy na ni Oranza

Itinaas ni Junrey Navarra ng Navy ang kanyang dalawang kamay sa pagtawid sa finish line. Ernie Peñaredondo

CALACA, Batangas -- Pumangatlo si Ro­nald Oranza ng Navy-Stan­dard Insurance sa 147.8-kilometer Stage 10 na inangkin ni teammate Junrey Navara para lu­mapit sa pormal na pag­hahari sa LBC Ronda Pi­­lipinas 2018 na iniha­han­dog ng LBC.

Inungusan ng 25-an­yos na si Oranza ang 13 pang karibal sa bakbakan sa finish line para pitasin ang third place sa karerang sinimulan sa Tagaytay Convention Center at tinapos dito sa Calaca Mu­nicipal Hall.

Nagsumite si Oranza ng bilis na tatlong oras, 26 minuto at dalawang se­gundo.

Ipinoste naman ng 26-anyos na si Navara ang oras na 3:21:47 para ibulsa ang una niyang lap victory kasunod si Butch Ryan Cayubit (3:21:48) ng Go for Gold.

Ito naman ang pang-pi­tong podium finish ni Oranza na tinampukan ng kanyang paghahari sa Stage One Vigan crite­rium, Vigan-Pagudpud Stage Two at Tarlac Stage Se­ven criterium.

Matapos ang 10 sta­ges kasunod ang dalawang natitirang yugto ay napasakamay na ng tu­bong Villasis, Pangasi­nan ang kauna-unahan ni­yang Ronda crown.

Nagtala si Oranza ng aggregate time na 30:15:03 sa itaas ni teammate at back-to-back tit­le-holder Jan Paul Mo­­­rales (30:21:58).

“Tapusin muna natin ‘yung huling dalawang stage bago tayo mag-cele­brate,” ani Oranza.

Ang tinutukoy ni Oran­za ay ang bibitawang 92.72km Calaca-Ca­laca Stage 11 ngayong uma­ga na susundan ng Stage 12 criterium bukas sa Fi­li­nvest, Alabang.

Nasa No. 3 si George Oconer (30:35:18) ng Go for Gold kasunod si­na No. 4 Jhon Mark Ca­mingao (30:36:11) ng Na­vy, No. 5 Navarra (30:36:11), No. 6 Cris Jo­ven (30:38:24) ng Army-Bicycology, No. 7 El Joshua Carino (30:42:23) ng Navy, No. 8 Jay Lampawog (30:45:06) ng Go for Gold Developmental team at No. 9 Rudy Ro­que (30:46:55).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with