^

PM Sports

Beermen itatagay ang finals berth

Russell Cadayona - Pang-masa
Beermen itatagay ang finals berth

Pumuwersa si Japeth Aguilar ng Ginebra laban kay Arwind Santos ng San Miguel sa Game 4 ng kanilang semis series. Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Hindi pa nakakalimutan ni head coach Leo Austria ang nangyari sa kanya bilang point guard ng Shell laban sa Ginebra.

“3-1 is still manageable ‘yan para sa opponent,” sa­­bi ni Austria sa hawak na kalamangan ng nagde­depensang San Miguel sa kanilang best-of-seven se­­mi­finals series ng Barangay Ginebra sa 2018 PBA Phi­lippine Cup.

“Dahil hindi ko makakalimutan, we’re leading 3-1 against Ginebra noong player pa ako ng Shell, and then we lost. And same thing, from 0-3, nanalo kami 4-3. Kaya everything is possible, kaya hindi kami puwedeng mag-relax.”

Inilapit ng Beermen ang kanilang sarili para sa pagpasok sa ika-39 PBA Finals appearance para targetin ang pang-25 kampeonato matapos talunin ang Gin Kings, 102-81, sa Game Four noong Biyernes.

Pipilitin ng San Miguel na tapusin ang kanilang se­­mis showdown ng Ginebra sa Game Five ngayong alas-6:30 ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Inaasahan ni Austria na gagawa ng bagong estra­tehiya si two-time PBA Grand Slam champion mentor Tim Cone para ibalik sa serye ang Gin Kings.

“I know coach Tim is gonna come out with great adjustments so we have to figure out on the fly if they do something different,” ani Beermen shooting guard Marcio Lassiter.”

Sa Game Four ay anim na San Miguel players ang umiskor ng double figures sa pangunguna ng 23 points ni Lassiter.

Binanderahan naman ni flying forward Japeth Aguilar ang tropa ng Ginebra mula sa kanyang game-high na 31 markers.

“We move forward from it,” sabi ni Cone. “Tough one to swallow especially since we played so hard and so well the last game.”

Personal na pinanood ni ‘Living Legend’ Robert Jaworski Sr. ang nasabing pagkatalo ng mga Gin Kings sa kamay ng mga Beermen.

“I want to say that they are tired. I wanna say that to get back in the series, they got to do more than what they did tonight,” wika ng 72-anyos na tinaguriang ‘Big J’ na iginiya ang Ginebra sa apat na PBA championships, ang huli ay noong 1997 Commissioner’s Cup laban sa Alaska Milkmen.

Muling aasahan ng San Miguel sina Lassiter, four-time PBA MVP June Mar Fajardo, one-time PBA MVP Arwind Santos, Alex Cabagnot at Chris Ross katapat sina Aguilar, LA Tenorio, Joe Devance, Sol Mercado, Scottie Thompson, Jervy Cruz at Prince Caperal ng Ginebra.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with