^

PM Sports

NakakabilIb ang Globalport

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Matinding pressure kay Jason Castro ang ginawa ng Globalport upang magiba ang TNT KaTropa at masungkit ang importanteng 99-84 panalo noong nakaraang gabi sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Aminado si Castro na napahirapan siya ng husto at binigyan niya ng papuri si GlobalPort coach Pido Jarencio sa kanilang kamayan sa midcourt pagkatapos ng laro.

“Good game plan daw, sabi niya. Eh talagang nagprepara kami ng husto dahil best guard of Asia siya. Ganon pa man, ang dami pa rin niyang ginawa,” ani Jarencio.

Si Nico Elorde ang ginamit ni Jarencio na pang-neutralize kay Castro. Lumutang si Elorde dahil hindi lang siya dumepensa ng maganda, nagtala pa siya ng kumikinang na stats line – 17 points, seven rebounds at seven assists.

Kagulat-gulat na dinomina ng Globalport ang TNT KaTropa tungo sa pagtalon sa seventh place papasok sa homestretch ng elims.

Magnolia, Kia at Phoenix ang kanilang tatlong huling laban. At kumpiyansa si Jarencio na susungkit sila ng playoff spot.

***

Batch 83 kontra sa Macaya Drugs/Zub Zero at RNBF Enterprises kontra sa CKV All Stars ang pairings sa semifinal round ng Cong. Eric Martinez Cup ng Bagbaguin Elite Seniors Club sa Valenzuela.

Mula sa Bagbaguin covered court, lilipat ang action sa Lunes sa Maysan Corns home court – isa sa mga bagong establishments na ipinatayo ni Martinez sa pagtulak ng kanyang programa para sa kanyang kadistrito lalo na sa kabataan ng Valenzuela.

Bilang top seed at second seed, may tangan na twice-to-beat advantage ang Batch 83 at RNBF.

Kung hindi masisilat, may tsansa sa ikalawang title sa tatlong tournament ang Batch 83 na binubuo ninaa Vermon Indiongco, Boy Salvador, Edgar Ata-nante, Kandong Pabaya, Odie Chua, Ariel Francisco, Ernie Malit, Butch Darnayla, Ome Beltran, Busog dela Cruz, Toto Francisco, Adak Bueza at Jojit Banzal sa ilalim ni coach Dennis “Baby D” Alemania.

Inaasahan naman ang bakbakang umaatikabo sa pagitan ng RNBF at CKV. Mangunguna sina Ogie Dantes, Lando Francisco, Darlie Valdellon, Louie Valdellon, Nat Cenit at Ronnie “James Yap” Mercado sa RNBF, at Carlo Callos, Igop dela Cruz, Jonie Bernabe, Ronald Juan, Galo Fabres, Pale Francisco at Ronnie Brimbruela sa CKV.

vuukle comment

GLOBALPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with