^

PM Sports

MVP at SBP nakatuon sa 2023 FIBA World Cup

Russel Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung may bagay mang hindi makakalimutan si businessman/sportsman Manny V. Pangilinan sa taong 2017, ito ay ang pagkakahirang sa Pilipinas bilang isa sa tatlong punung-abala sa 2023 FIBA World Cup.

“For the country, it will be a great Christmas gift,” sabi ni Pangilinan, ang Chairman Emeritus ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, sa pagkakabigay sa Pinas ng World Cup hosting rights sa 2023.

Makakasama ng Pilipinas sa pamamahala sa nasabing world basketball championship ang Japan at Indonesia.

Tinalo ng Asian consortium sa bidding ang two-country bid ng Argentina at ng Uruguay.

Ito ang ikalawang pagkakataon na pangangasiwaan ng Pilipinas ang FIBA World Cup matapos noong 1978.

Nauna nang natalo ang bansa sa China sa hosting rights ng 2019 FIBA World Cup sa bidding noong 2015 na pinangunahan nina Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao at Fil-Am Hollywood actor Lou Diamond Philips.

“The other factor why we lost to China in 2015 is that we did not have enough venues,” dahilan ni Pangilinan.

Para sa pamamahala sa 2019 FIBA World Cup ay inilatag ng China ang mga venues sa Beijing, Nanjing, Shanghai, Wuhan, Dongguan, Foshan, Guangzhou at Shenzhen na may mga seating capacities na 14,000 hanggang 22,000.

Sinabi naman ni Pangilinan na ang pagiging host ng bansa sa 2023 FIBA World Cup ang maiiwan niyang ‘legacy’ sa Philippine basketball.

“It will be a great honor. If anything, if there’s any legacy I’d like to leave to the sport of basketball is that the Philippines will, after so many years, will be the center of the world in the sport of basketball.. di ba?” ani Pangilinan.

Dahil sa pagiging host ay awtomatiko nang makakalaro ang Pilipinas, Indonesia at Japan sa 2023 FIBA World Cup.

Kaya naman ngayon pa lamang ay naghahanda na ang SBP para sa kanilang mga plano.

Bilang host country ay maglalaro ang 16 sa kabuuang 32 teams sa Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City, Mall of Asia Arena sa Pasay City at sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan habang ang tig-walo ay makikita sa aksyon sa Okinawa, Japan at Jakarta, Indonesia.

Ayon kay Pangilinan, ilang pag-aayos pa ang dapat gawin sa Big Dome.

“We need to talk to the owners of Araneta. We need to put up a dedicated media room and FIBA doesn’t want the players to be walking openly from the playing court to the dugouts,” wika ni Pangilinan. “There are things to do,”

Ang semifinals at finals ng 2023 World Cup ay gagawin sa Philippine Arena, dinumog ng record na 54,000 fans sa Game Seven ng 2017 PBA Governors’s Cup Finals sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco.

Kumpiyansa ang SBP na mababasag nila ang pinakamalaking crowd attendance na naitala sa isang FIBA match – ang 35,000 fans na sumugod sa venue ng Rio de Janerio, Brazil noong 1954 edition.

“The highest record of attendance for a FIBA game is 35,000,” sabi ni SBP president Al Panlilio. “Meralco and Ginebra went for 54,000, so we believe we can surpass that in the final game if the final game at Philippine Arena is United States versus Gilas.”

“But imagine us in the Finals at the Philippine Arena,” dagdag pa nito.

Para magkaroon ng mas magandang pagha-handa ay oobserbahan ng ilang opisyal ng SBP ang gagawin ng China para sa 2019 FIBA World Cup.

“We also want to form a team to learn what’s happening in China,” ani Panlilio. “We want send a team there to learn from the good things and mistakes they’re doing that we can apply to us here.”

Bukod sa mga venues, sisimulan na ring ihanda ng SBP ang magiging komposisyon ng Gilas Pilipinas.

Ilan sa mga inaasahang mangunguna sa kampanya ng Gilas Pilipinas, naglaro sa 2014 FIBA World Cup sa Seville, Spain matapos kunin ang silver medal sa FIBA Asia Championships noong 2013 sa Mall of Asia Arena, ay sina four-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Kiefer Ravena, Matthew Wright at Fil-German Christian Standhardinger.

“The Filipino people deserve it. Let’s show the world our brand of basketball,” ani Pangilinan.                                                  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with