^

PM Sports

Azkals wagi sa Nepal

Olmin Leyba - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sumipa si Phil Younghusband ng dalawang goals sa first half para pamunuan ang Philippine Azkals sa 4-1 paggupo kontra sa bisitang Nepal squad sa AFC Asian Cup Qualifiers noong Martes ng gabi sa Rizal Memorial Stadium.

Isinalpak ni Younghusband ang una niyang goal matapos gawaran ang Azkals ng penalty kick sa ika-21 minuto ng first half.

Matapos ang ilang minuto ay muling bumanat ng goal si Younghusband para ibigay sa Azkals ang malaking 2-0 kalamangan laban sa Nepalese squad.

Lalo pang ibinaon ng Nationals ang Nepal sa 3-0 nang kumonekta ng goal si Iain Ramsey sa pang-28 minuto.

Nakasingit naman ang Nepal ng goal bago matapos ang first half mula sa sipa ni Bishal Rai para sa kanilang 1-3 agwat.

Sa second half ay nagdagdag ng goal si Javier Patino para tuluyan nang selyuhan ang kanilang tagumpay sa mga Nepalese.

Naipanalo ng Pilipinas ang apat sa huli nilang laro ng Nepal. Kasama ng Azkals ang Nepal, Tajikistan at Yemen sa Group F ng qualifiers.

vuukle comment

PHIL YOUNGHUSBAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with