^

PM Sports

Tigers vs Blue Eagles sa UAAP ngayon

Vilma Andales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagbabalik na ang mga kapana-panabik na aksyon sa collegiate basketball sa pagbubu-kas  ng UAAP season 79 basketball tournament ngayon sa Smart Arane-ta Coliseum.

Matapos ang hiwalay na opening ceremony  kahapon sa Plaza Mayor ng season host University of Santo Tomas ay aarangkada ang laba-nan ngayong alas-2 ng hapon sa pagtutuos ng University of the Phi-lippines at Adamson na susundan ng salpukan ng UST at Ateneo De Manila University sa alas-4.

Makalipas  ang  li-mang taong pagkabigo na muling makamit ang titulo ay matinding pressure ang haharapin ng Tigers dahil sa mas mataas na inaasahan sa kanila bilang host.

Halos tatlong buwan lamang nakapagsanay ang UST kasunod ng naging problemang kinaharap sa nagdaang pre-season na naging dahilan ng pagpapalit nila ng coach.

Umaasa ang bagong coach na si Rodil Zablan na magiging epektibo at matibay na sandigan ng kanilang kampanya ang teamwork.

Kumpara sa mga naging koponan ng Tigers noong mga nakalipas na taon kung saan mayroon  silang  ‘go-to-guy, ngayon ay tiwala si Zablan  na handa lahat ng kanyang players at alam ang gagawin anu-mang oras na bunutin sa bench.

Inaasahan na mamumuno sa Tigers ang mga beteranong sina Louie Vigil at Marvin Lee at mga nagbabalik na sina Reggie Basibas at Renzo Subido.

Sa panig ng Ateneo  ay wala na ang mga key players na sina Kiefer Ravena at Von Pessu-mal. FMLumba

vuukle comment

EMERGENCY POWER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with