^

PM Sports

Mga three years old nabigong manalo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nitong mga nakaraang araw ay nakapanood tayo ng mga three-year old horses na hindi gaanong nagpakita ng gilas para makahabol sa prestihiyong pakarera na magaganap sa Hunyo 11.

Ang ilan sa kanila ay tumakbo pa bilang mga outstanding favorites pero sa hindi malamang dahilan ay tinalo ng hindi gaanong inaasahang kalaban na ni sa isipan ay hindi mo aakalain na mananalo.

Kahapon ang Creative na pinatakbo ni Mark M. Gonzales na super outstanding favorite ay natalo ng far second pick na Balicasag na dinala ni Andrew R. Villegas.

At hindi man lamang pinaporma ng Balicasag ang Creative dahil sa pagbubukas pa lamang ng aparato ay tinapos na ng una ang distansiyang 1,400 meters sa bilis na 1:29 at nakunan ng quarter times na 13.0; 24.0; 24.5 at may dating pang 27.5 segundo.

Ang tanging nagawa ng Creative ay ang humabol lang nang humabol, pero hindi man lamang nakaamoy ng buntot ng kalaban.

Kaya naman second place lang siya.

Tatlong kabayo pa ang hindi kinakitaan ng husay noong Sabado. Ang isa sa kanila ay ang super-mega outstanding favorite na Secret Kingdom na pinatungan ni Jeffrey T. Zarate.

Nanghinayang talaga ang mga backers ng Secret Kingdom dahil halos lahat ng benta ng naturang karera ay napunta lang sa kanya, pero naligwak nga at na-shoot sa bayong.

Ang isa pa ay ang Pinay Pharaoh na inibabawan ni Fernando M. Raquel Jr. Naging unang paborito rin ang kabayo pero nang makapagparemate ay nasegundo lang ito sa higit na mahusay na Striking Colors.

Ang Pronto na dinala ni Jonathan B. Hernandez ay animo’y prenteng mananalo dahil naka-break pa mandin sa paghawak ng renda. Pero kinapos rin ito kinalaunan at tersero lang sa grupo. JMacaraig

 

 

vuukle comment

ECSTASY

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PARTY DRUGS

RAVE PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with