^

PM Sports

Huling laban ni Manny gagawin sa Dubai?

AC - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi mauubusan ng option si Manny Pacquiao para sa kanyang susunod na laban na naka-schedule tentatively sa April 9 o isang buwan bago ang eleksiyon.

Kailangan nang mamili ng Filipino boxing megastar ng kanyang susunod na kalaban at ang mga kandidato ay sina Amir Khan, Terence Crawford at Timothy Bradley.

Sinabi ni Bob Arum na ang susunod na laban ni Pacquiao ay sa MGM Grand sa Las Vegas.  Pero kung tatanungin si Pacquiao, wala pang siguradong venue.

Una, sinabi niyang ang susunod niyang laban na posibleng huli na niya ay maaaring ganapin sa  napakalaking Philippine Arena na nasa labas lang ng Manila.

Ngunit sa pakikipag-usap sa mga reporters sa Dubai kamakalawa, sinabi ng 36- gulang na boxing superstar na nais niyang mangyari ang kanyang susunod na laban sa  pinaka-populated na lugar sa United Arab Emirates.

May tinatayang 450,000 Filipinos na nasa Dubai na kumakatawan ng 21 percent ng buong population ng lungsod.

“Yes we are working on it right now. We are trying our best to bring the fight to Dubai,” sabi ni Pacquiao sa balitang lumabas sa Khaleej Times sa UAE.

Nasa Dubai si Pacquiao para sa laro ng kanyang Mahindra team sa Philippine Basketball Association nitong Biyernes.

Ipinarada siya sa Dubai at nakipagkita sa kanyang mga fans kung saan napakaraming naki-pag-selfie sa kanya at nakipag-usap sa press.

vuukle comment

AMIR KHAN

BOB ARUM

DUBAI

KHALEEJ TIMES

LAS VEGAS

NASA DUBAI

PACQUIAO

PHILIPPINE ARENA

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

TERENCE CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with