^

PM Sports

Spectrum ‘di paaawat

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pagsisikapan ng mahusay na two-year old horse na Spectrum na madugtungan ang pagpapanalo sa mga stakes races sa pagsali nito sa 2015 Philracom 3rd leg Juvenile Colts Stakes sa Linggo sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Ang kabayong pag-aari  ni Atty. Narciso Morales at ipinapagabay kay Dan Camañero Jr., at  limang iba pang kabayo ay nominado sa karerang paglalabanan sa 1,400-metro distansya.

Ang iba pang kasali ay ang Show The Whip, Fi-nishing Balls at coupled entry na Uncle Ko at isa pang coupled entries na Stark at Underwood.

Tiyak na mapapaboran ang Spectrum dahil ito ang kampeon sa idinaos na PCSO 2YO Maiden race at sa 1st at 2nd leg ng Juvenile Fillies/Colts stakes.

Sa pagkakataong ito ay hiwalay na tatakbo ang mga 2-year old fillies sa gagawing 3rd Leg ng Juvenile Fillies stakes at puwedeng walisin ng mga lahok ni Morales dahil panlaban ng batikang horse owner sa karerang ito ang Hot Dog.

Ang kabayong ito na dinidiskartehan ni Jeff Zarate ay kampeon sa PCSO Special Maiden Race noong nakaraang buwan at tiyak na inilalagay ito sa magandang kondisyon para muling manguna sa karera.

Ang iba pang kasali sa karerang paglalabanan din sa 1,400m ay ang He He He, Katniss, Most Trusted, Port Angeles, Sky Glory, Subterranean River at This Time.

Sinahugan pareho ng nagtataguyod na Philippine Racing Commission (Philracom) ng tig-P1 milyon ang dalawang karera at ang magwawagi ay mag-uuwi ng P600,000.00 sa horse owners. Ang breeder ng kampeong  kabayo ay mayroong P30,000.00 premyo. (AT)

vuukle comment

ANG

DAN CAMA

HE HE HE

HOT DOG

JEFF ZARATE

JUVENILE COLTS STAKES

JUVENILE FILLIES

METRO TURF CLUB

MOST TRUSTED

NARCISO MORALES

PHILIPPINE RACING COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with