^

PM Sports

Manila North pasok sa knockout stage

Pang-masa

MANILA, Philippines – Bagama’t nabigo sa una nilang laban ay kaagad namang nakabangon ang Manila North para sikwatin ang isang tiket sa knockout stage ng 2015 FIBA 3x3 World Tour Final sa Abu Dhabi.

Mula sa 17-21 pagyukod sa Kranj ng Slovenia sa kanilang opening game ay nakatakas ang Manila North sa do-or-die na laro laban sa Doha ng Qatar, 16-14 para makapasok sa quarterfinals.

Kumamada si small forward Calvin Abueva ng 7 points kontra sa Qatar team para itakda ang kanilang grudge match laban sa Manila Masters gold-medal game tormentor at World No. 1 NoviSad AlWahda.

Muli namang bumandera para sa NoviSad sina Dusan Bulut, Dejan Majstorovic, Marko Savic at Marko Zdero, ang highest ranked 3-on-3 players sa buong mundo, para durugin ang Rio ng Brazil, 22-8 at ang Vilnius ng Lithuania, 21-14 sa Group A sa eliminations.

Sa Group D ay nagtala ng magkakatulad na 1-1 baraha Manila North, Kranj at Doha.

Umabante ang mga Slovenians at Filipinos sa quarterfinals nang gamitin ang point system tiebreak.

Kumolekta ang Kranj ng 34 points kasunod ang 33 ng Manila North at 30 ng Doha.

Makakasama ng Manila North, binubuo nina Abueva, Vic Manuel, Troy Rosario at Karl Dehesa sa Final Eight ang Kranj, NoviSad, Rio, Denver, Trbovlje, Ljubljana at NY Harlem.

Lalabanan ng Manila North ang NoviSad; makakatapat ng Kranj ang Rio; sasagupain ng Trbovlje ang Denver; at makakatapat ng Ljubljana ang NY Harlem.

vuukle comment

ABU DHABI

ANG

CALVIN ABUEVA

DEJAN MAJSTOROVIC

DOHA

DUSAN BULUT

FINAL EIGHT

GROUP A

KARL DEHESA

KRANJ

MANILA NORTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with