^

PM Sports

FIBA 3-on-3 World Tour Laban ng Manila North inurong

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines –  Dahil sa sobrang init na bumabalot sa Doha sa Qatar, inurong ang mga oras ng laro sa FIBA 3x3 World Tour.

Ang dalawang laro ng Manila North sa pagbubukas ng liga noong Huwebes ng hapon ay inilipat ngayong madaling araw.

Magbubukas ang kampanya ng koponan na pa-ngungunahan ni Calvin Abueva  laban sa Kranj ng Slovenia sa ganap na alas-1:20 ng umaga habang ang pangalawang laro kontra sa host Doha ay dakong ala-3:10 a.m.

Nasa Pool D ang mga koponang nabanggit at kailangan ng Manila North na maipanalo ang isa sa dalawang laro para magkaroon ng tsansang umabante sa quarterfinals na panimula sa knockout stage.

May 12 teams ang kasali at ang mangungunang dalawang koponan bawat Pool ang magpapatuloy ng laban.

Kasama ni Abueva sina Troy Rosario, Vic Manuel at Karl Dehesa at kahit kulang sila sa height ay puno naman ang mga manlalaro ng determinasyon at tapang para mabigyan ng karangalan ang Pilipinas.

vuukle comment

ABUEVA

ANG

CALVIN ABUEVA

DAHIL

DOHA

KARL DEHESA

MANILA NORTH

NASA POOL D

TROY ROSARIO

VIC MANUEL

WORLD TOUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with