^

PM Sports

Blue Eagles, Bulldogs asam ang 1-0 lead sa semis series

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sisikapin  ng Ateneo Blue Eagles at ng Natio­nal University Bulldogs na pangatawanan ang pa­gi­ging top two teams sa pagharap sa mag­kahiwalay na laban sa se­mifinals series ng Spi­kers’ Turf Collegiate Conference ngayon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Tinapos ang quarterfinals  bitbit ang malinis na 7-0 karta, ang Blue Eagles ay haharap sa NCBA Wildcats sa ala-1 ng hapon, habang ang pumanga­la­wang Bulldogs (6-1) ay mapapalaban sa Emilio Aguinaldo College Generals sa alas-3 sa Game One ng kani-kanilang best-of-three semis series.

Kinailangan ng apat na sets ng Blue Eagles ba­go nagapi ang Wildcats sa naunang pagki­kita, 31-33, 25-18, 25-12, 25-21.

Pero tiyak na mas ma­tikas ang larong ma­kikita sa UAAP cham­pions na Ateneo.

Galing ang koponan mula sa straight sets win laban sa Bulldogs no­ong Agosto 31 para pa­tikimin ng unang pagkatalo ang NU.

Si Marck Espejo na gumawa ng 138 pun­tos, tam­pok ang 107 attack points, ay muling ma­ki­kipagtulu­ngan ki­na Rex Intal, Ysrael Wilson Ma­rasi­gan  at Joshua  Vil­lanueva para huwag pa­pormahin ang NCBA na tinalo sa straight sets ang La Salle Green Archers sa playoff noong Sa­bado.

Nangibabaw din ang Bulldogs laban sa Ge­ne­­rals, 25-20, 25-21, 27-25,  noong Hulyo 13.

Ngunit hindi mala­yong mapahirapan sila dahil tumaas na ang kalidad ng laro ng NCAA cham­pions na Generals.

Ibabandera ng EAC ang mahusay na si Ho­ward Mojica na siyang na­mamayagpag sa pagpuntos sa liga.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATENEO BLUE EAGLES

BLUE EAGLES

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

GAME ONE

LA SALLE GREEN ARCHERS

REX INTAL

SAN JUAN CI

SHY

SI MARCK ESPEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with