^

PM Sports

FEU, UP at La Salle sumikwat ng tiket sa semis ng men’s football

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakakuha ng upuan sa semifinal round ang FEU Tamaraws, UP Maroons at La Salle Green Archers sa UAAP men’s football nang manalo sa ka­nilang mga laro kamakailan.

Nanatiling magkasalo sa liderato ang nagde­depen­sang Tamaraws at ang Maroons bitbit ang 27 puntos nang kunin ng una ang 6-0 panalo laban sa UST Tigers, habang may 2-0 tagumpay ang Maroons laban sa UE Warriors.

Tinalo ng Green Archers ang Adamson Falcons, 2-0, para kunin ang ikatlong upuan sa Final Four sa kabuuang 26 puntos.

Ang huling tiket ay pinaglalabanan pa ng NU Bulldogs at ng Ateneo Blue Eagles.

Tinalo ng Bulldogs ang Blue Eagles, 1-0, para upuan ang pinaglalabanang puwesto sa 23 puntos, pero isa lang ang kanilang lamang sa tinalong ko­po­nan na may 22 puntos.

vuukle comment

ADAMSON FALCONS

ATENEO BLUE EAGLES

BLUE EAGLES

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

LA SALLE GREEN ARCHERS

NAKAKUHA

TAMARAWS

TINALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with