^

PM Sports

Cariaso bilang na ang araw sa Ginebra

Pang-masa

MANILA, Philippines - Posibleng magbalik si Ato Agustin sa bench ng Gin Kings sa darating na 2014-2015 PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay kaugnay sa sinasabing pagpapatalsik ng Barangay Ginebra kay rookie coach Jeffrey Cariaso matapos ang dalawang komperensya.

Sisimulan ng Gin Kings ang kanilang preparasyon para sa second conference sa Enero 5 kung saan si Agustin ang inaasahang mamamahala sa ensayo.

Ito ang magiging pangalawang pagkakataon na igigiya ni Agustin ang Ginebra matapos palitan si Alfrancis Chua sa pagsisimula ng 2013 PBA Governors Cup.

Sa nakaraang dalawang torneo ay pinilit gamitin ni Cariaso sa Gin Kings ang natutuhan niya kay Purefoods’ coach Tim Cone na ‘triangle offense’.

Ngunit hanggang sa ngayon ay nahihirapan pa rin ang koponan sa naturang sistema ni Cariaso.

Ang istilong ‘run-and-gun’ ang nakagawian na ng Gi­nebra sa nakaraang mga taon bukod pa sa kanilang ‘never-say-die’ spirit.

 

vuukle comment

AGUSTIN

ALFRANCIS CHUA

ATO AGUSTIN

BARANGAY GINEBRA

CARIASO

GIN KINGS

GOVERNORS CUP

JEFFREY CARIASO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with