^

PM Sports

Azkals kailangang maghigpit ng depensa kontra sa Thailand

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dapat higitan ng Azkals ang ipinakitang depensa sa naitalang 0-0 scoreless draw saThailand kung nais nilang umabante sa finals ng 2014 AFF Suzuki Cup.

Sa ganap na ika-8 ng gabi (Manila time) ay maghaharap sa ikalawa at huling pagkakataon ang War Elephants na gagawin sa Rajamangala Stadium sa Bangkok, Thailand.

Bukod sa inaasahang libu-libong manonood na susuporta sa home team, gagamitin din ng Thais ang pagiging pamilyar sa paglalaro sa kanilang pitch.

Natural pitch ang gamit sa nasabing stadium kumpara sa artificial pitch sa Rizal Memorial Football stadium sa unang pagtutuos noong Disyembre 6.

“The condition of the pitch here is much better than that in Manila. We will stick to our tactics with fast attack,” wika  ni War Elephants coach Kia-tisak Senamuang.

Dalawang manlalaro ang hindi makakasama ng home team dahil si Adisak Kraisorn ay nabigyan ng red card nang sikuhin si Amani Aguinaldo habang ang striker na si Kirati Kaewsombut ay may iniindang leg injury.

Ngunit  hindi problema ito sa Thais dahil marami silang pamalit tulad nina Chanathip Songkrasin, ang itinuturing Messi ng Thailand, na pinasama pa ni Kiatisak sa kanilang ensayo.

Sa kabilang banda, sasandalan ng Azkals ang nakuhang karanasan noong naglaro sa pitch at lumasap ng 0-3 pagkatalo at ang 0-0 draw para maisakatuparan ang asam na panalo.

Kailangan ng Pilipinas na makapagtala ng sco-ring draw para umabante sa championship round sa unang pagkakataon matapos ang ikatlong sunod na pagtapak sa semifinals.

“I have seen the sparks in our side,” wika ni German-American Azkals coach Thomas Dooley.

“We just have to be ready. If we can hold them for the first 15 to 20 mi-nutes, I think we can have a good chance,” ani Dooley.

Si Phil Younghusband ang mangunguna uli sa koponan at malaki rin ang posibilidad na nasa 100 percent na si Patrick Reichelt Guirado para tumibay uli ang puwersa ng Azkals. (AT)

vuukle comment

ADISAK KRAISORN

AMANI AGUINALDO

AZKALS

CHANATHIP SONGKRASIN

GERMAN-AMERICAN AZKALS

KIRATI KAEWSOMBUT

PATRICK REICHELT GUIRADO

RAJAMANGALA STADIUM

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL

WAR ELEPHANTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with