^

PM Sports

UAAP Press Corps-Accel Player of the week

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinagdagan ni Jeron Teng ang abilidad sa pag-lalaro ng basketball sa kakayahan na magpasa upang bitbitin ang nagdedepensang kampeon La Salle sa dalawang sunod na panalo sa  77th  UAAP men’s basketball.

Tinalo ng Archers ang National University Bulldogs, 57-55, bago isinunod ang host UE Warriors, 60-58 at mahalagang papel ang ginawa ni Teng para gawaran ng UAAP Press Corps-Accel Quantum Plus/316  para sa linggo July 23-27.

“That (playmaking) is what our team needs right now,” wika ni Teng na siyang nagbigay ng mga mahahalagang assists sa endgame sa huling dalawang laro upang makabangon na ang Archers mula sa 0-2 panimula.

Butas ang puwesto sa point guard ng La Salle dahil hindi makakapaglaro si Thomas Torres sa loob ng anim na linggo bunga ng napilay na kanang paa  na nangyari sa laro kontra sa Ateneo Eagles.

Ngunit hindi apek-tado ang Archers dahil kay Teng. Ang kanyang magandang pasa sa nag-cut na si Jason Perkins ang nagsalba sa La Salle sa Bulldogs.

vuukle comment

ATENEO EAGLES

BUTAS

DINAGDAGAN

JASON PERKINS

JERON TENG

LA SALLE

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

NGUNIT

PRESS CORPS-ACCEL QUANTUM PLUS

THOMAS TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with