^

PM Sports

Pugad Lawin iginiya ni JB Guce sa tagumpay noong Biyernes

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Wala pa ring nagbago sa tikas ng Pugad Lawin nang pagharian ng kabayo ang sinalihang karera no­ong Biyernes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Car­mona, Cavite.

Si JB Guce pa rin ang dumiskarte sa nasabing ka­bayo sa ikalawang sunod na pagkakataon at hindi nag­bago ang ipinakita ng Pugad Lawin tulad noong nag­domina ito sa huling sinalihan na PCSO Silver Cup noong nakaraang buwan.

Ikatlong panalo ito sa apat na takbo sa taon ng Pu­gad Lawin na tulad ng inasahan ay patok sa walong nag­laban para maghatid ng P6.00 dibidendo sa win.

Pumangalawa ang second choice na Snake Queen at ang 4-8 forecast ay naghatid ng P10.50 dibidendo.

Samantala, dalawang imported at dalawang local hor­ses ang magsusukatan sa 2014 Philracom Option Race na siyang tampok na karera sa pagtatapos ng isang linggong pista sa Santa Ana Park sa Naic, Ca­vite.

Ang La Furia Roja na mula New Zealand at haha­wakan ni Jonathan Hernandez sa Oh Oh Seven na mu­la Australia ay gagabayan ni Fernando Raquel Jr. ang mapapalaban sa mga local horses na Captain Ball (CJ Reyes) at Penrith (Mark Alvarez) sa isang mil­yang karera.

Pinasarap ng Philippine Racing Commission ang labanan sa paglalagay ng P500,000.00 premyo at ang mananalo ay may P300,000.00 gantimpala. 

May breeder’s purse na P15,000.00 kung ang ma­nanalo ay isang local horse.

Ang Oh Oh Seven na lahok ni Hermie Esguerra ang siyang ma­papaboran sa apat na maglalaban ma­­­tapos pu­mangalawa sa third leg ng Philracom Im­ported/Local Challenge Race.

Lahat naman ng kasali ay may premyong maiu­uwi dahil ang papanga­lawa ay magbubulsa ng P112,500.00, habang ang pa­­pangatlo at papang-­apat ay may P62,500.00 at P25,000.00.

 

vuukle comment

ANG LA FURIA ROJA

ANG OH OH SEVEN

CAPTAIN BALL

FERNANDO RAQUEL JR.

HERMIE ESGUERRA

JONATHAN HERNANDEZ

LOCAL CHALLENGE RACE

PUGAD LAWIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with