^

PM Sports

Damong Ligaw inungusan ang6 pang nakalaban sa Santa Ana

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos ng Damong Ligaw ang unang buwan ng panganga­rera sa pamamagitan ng panalo sa nilahukang tak­bo noong Biyernes sa San­ta Ana Park sa Naic, Ca­vite.

Kumaripas ng takbo ang kabayong sakay ni Dan Camañero mula hu­ling kurbada upang ma­nalo sa anim na kabayong naglabanan sa 1,300m class division 2 race.

Sinikap ng Sa Totoo Lang ni J.L. Paano na di­kitan ang nauunang ka­bayo pero ginamitan ng la­tigo ni Camañero ang ka­bayo para manalo ng ka­lahating kabayong agwat sa meta.

Bago ito ay nanalo ang tambalan noong Ene­­ro 25 para malagay bi­lang pabo­rito sa karera at maghatid ng P6.00 sa win.

Nadehado ang Sa To­too Lang para palakihin sa P32.50 ang dibidendo sa forecast na 6-4.

Dikitan ang mga ben­ta sa lahat ng 12 karera na idinaos sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI).

Ang naka­panilat ay ang Star Of Jo­na na pinataob ang pabo­rito sa karera na Smart Win­ner sa 3YO and Above Maiden race sa 1,300m distansya.

Ito ang ikalawang opis­yal na takbo ng Star Of Jona matapos isalang sa isang Novato race no­ong Enero 5.

Nagbigay ng P57.00 ang win, habang nasa P171.00 ang ibinigay sa 6-4 forecast.

Magtatapos ang anim na araw na pista ngayon sa MetroTurf sa Malvar, Batangas  sa pamamagitan ng paghahain ng 12 ka­­pana-panabik na karera na inaasahang ikasisiya ng mga karerista.

 

vuukle comment

ABOVE MAIDEN

ANA PARK

DAMONG LIGAW

DAN CAMA

PHILIPPINE RACING CLUB INC

SA TO

SA TOTOO LANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with