^

PM Sports

Dusty Jewel dinomina ang Charity Special Race

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinanghal ang Dusty Jewel bilang kauna-una­hang kabayo na nakakuha ng panalo sa gaganaping Phi­lippine Racing Com­mis­sion-sponsored race nang dominahin ang Phil­ra­­com Charity Special Race kahapon sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.

Mahusay na ikinondis­yon ang kabayong sinak­yan ni Reynaldo Nio, Jr. nang pakainin ng alika­bok ng tambalan ang mga na­ka­laban sa 1,400-metrong tampok na ka­rera.

Nagsumite ang Dusty Jewel ng 1:25.8 (13, 22’, 23, 27) winning time para kunin din ang P180,000.00 mula sa P300,000.00 kabuuang prem­yo na inilaan ng Phil­ra­com sa karerang inialay sa volunteers sa scholars ng Center for Disaster and Emer­gency Management (CDEM) Inc.

Nakasabayan ng Dus­ty Jewel sa alisan ang Pri­vate Thoughts, Great Wal­da at Rose Blush.

Pero ma­tapos lamang ang unang kurbada ay nag­simulang iwanan ng tat­long taong colt ang mga ka­tunggali.

Sa rekta ay lalo pang tu­mulin ang kabayong may lahing Warrior Song at Shining Diamond.

Nanalo ang kabayo ng mahigit na pitong agwat sa kalaban.

Ang labanan sa panga­lawang puwesto ang si­yang mainitang pinag­labanan at matapos ang pho­to finish ay nakita na na­kaangat ng bahagya ang Sharp Look ni LF De Je­sus sa Great Walda na di­niskartehan ni Jessie Gu­ce.

Halagang P67,500.00 ang napunta sa Sharp Look na humabol mula sa bugaw sa alisan.

Ang Great Walda ay nag-uwi ng P37,500.00.

Ang Private Thoughts ni NK Calingasan ang kumumpleto sa datingan at mai­bulsa ang P15,000.00 prem­yo.

Itinalaga bilang patok ang Dusty Jewel ma­­tapos kumabig ng P171,992.00 benta mula sa P419,935.00 sa Daily Double, habang ang se­cond choice sa ta­laan ang Sharp Look sa P77,515.00 sales.

Pero dahil dikit-dikit ang bentahan ng limang ka­­bayo, nagpamahagi pa ang win ng Dusty Jewel ng P8.50, habang ang 3-5 forecast ay may P25.50 dibidendo.

Magsisimula ang pista sa linggong ito sa San La­zaro Leisure Park sa Carmona, Cavite na may ba­lansyadong handicapping sa mga maglalaban-laban.

vuukle comment

ANG GREAT WALDA

ANG PRIVATE THOUGHTS

CHARITY SPECIAL RACE

DAILY DOUBLE

DE JE

DISASTER AND EMER

DUSTY JEWEL

SHARP LOOK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with