^

PM Sports

D-Rose naglaro na

Pang-masa

INDIANAPOLIS –Sandali lang naglaro si Derrick Rose sa isang exhibition game nitong Sabado ng gabi ngunit naipakita niya ang kanyang kakayahan sa una niyang NBA game matapos mawala ng 17 buwan.

 Sumalang ang Chicago Bulls guard ng mahigit 20 minutes sa 82-76 panalo ng Chicago kontra sa Indiana Pacers kung saan nakita ang bakas ng kanyang panga-ngalawang ngunit nakita rin ang kanyang muscle me-mory sa pagtatala ng 13 points, two assists at three steals.

At bagama’t nakaupo na lang si Rose sa huling 19-minuto sa come-back win ng Chicago, tagumpay ang kanyang unang appearance matapos matengga ng matagal dahil sa ACL injury.

Matatandaang mas pinili ni Rose na hindi maglaro sa kabuuan ng 2012-13 season matapos mapunit ang ACL sa kanyang unang laro noong 2012 postseason kung saan madalas siyang tumangging magsalita sa publiko kung kailan siya makakabalik bagama’t sunud-sunod ang injury sa Bulls noon.

Bagama’t suportado siya ng kanyang mga teammates, marami ang bumabatikos kay Rose dahil nakabalik na sa laro ang ibang players na kasabayan niyang nagka-ACL injury habang siya ay nakatengga pa.

 

vuukle comment

BAGAMA

CHICAGO BULLS

DERRICK ROSE

INDIANA PACERS

KANYANG

MATATANDAANG

ROSE

SABADO

SANDALI

SUMALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with