^

PM Sports

Kirilenko nakipagkasundo sa Nets para makasama sina Pierce, Garnett

Pang-masa

BROOKLYN --- Nakipagkasundo na ang Nets kay free-agent forward Andre Kirilenko para sa isang two-year contract, ayon sa mga ulat.

Kumawala ang 32-anyos na si Kirilenko sa kanyang two-year contract na nagkakahalaga ng $10.2 mil­yon para sa susunod na season sa Minnesota Tim­ber­wolves para subukan ang free-agent market.

Tatanggap siya ng mas mababa sa $3.1 milyon na may player option sa kanyang ikalawang taon sa Nets.

Nagbalik ang Russian sa NBA sa nakaraang season matapos kumampanya sa kanyang bansa ng isang ta­on.

Kilala na ni Nets owner Mikhail Prokhorov si Ki­rilenko.

Naglaro siya para sa CSKA Moscow team na pag­-aari ni Prokhorov.

Hinabol ng Nets si free-agent Kyle Korver, ngunit pu­­mirma ito sa Atlanta Hawks kaya nila kinuha si Ki­rilenko.

Makakasama niya sa koponan ng Nets sa susunod na season sina forwards Paul Pierce at Kevin Garnett.

Naglaro si Kirilenko ng 10 taon para sa Utah Jazz.

Sa nakaraang season, nagtala siya ng average na 12.4 points para sa Timberwolves.

 Muli namang kinuha ng Brooklyn si Andray Blatche at pinalagda si Shaun Livingston.

vuukle comment

ANDRAY BLATCHE

ANDRE KIRILENKO

ATLANTA HAWKS

KEVIN GARNETT

KIRILENKO

KYLE KORVER

MIKHAIL PROKHOROV

MINNESOTA TIM

NAGLARO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with