Asawa ni Donaire na si Rachel sinagip ang nalulunod na bata kahit buntis
MANILA, Philippines - Kagaya ng kanyang asaÂwang si world super banÂtamweight champion NoÂnito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr., maaÂari na ring maituring na isang baÂyani si Rachel Marcial.
Bagama’t siyam na buÂwang buntis, sinagip pa rin ng 31-anyos na si Rachel ang isang nalulunod na bata sa pagdiÂriwang ng United States sa 4th of JuÂly.
Kaagad na dinala sa osÂpital si Rachel, ayon sa Tweet ni Donaire.
“Rachel Donaire was admitted in a hospital for fetal monitoring after saving a drowning child,†ani Donaire sa kanyang TwiÂtter account na may hiÂgit sa 140,000 followers ngayon.
Ayon sa 30-anyos na si Donaire, nakabase sa US kasama si Rachel, sumaÂilalim ang dating taekÂwondo jin sa isang fetal moÂnitoring para alamin ang kondisyon ng kanyang anak.
Si Rachel, nahirang na World’s Sexiest Woman ng FHM, ay may Twitter account na “Knockout Queen.â€
“Wifey admitted into ER (emergency room) for fetal monitoring. She’s full term but not due for anoÂther 17 days. Praying things are okay,†wika ni DoÂnaire.
Inaasahan nina DoÂnaire at Rachel ang pagsilang ng kanilang unang anak sa susunod na tatlong linggo.
“Epsom salt warm bath should help @Knockout_Queen with the pulled ligament. Thanks again for all your prayers!,†sabi ni Donaire.
Bumaha ng papuri paÂra kay Rachel mula sa Twitter.
“Wow!! Rachel is a heÂro!!†sabi ni American super middleweight chamÂÂÂpion Andre Ward kay Rachel sa kanÂyang TwitÂter account.
- Latest