Navy nagdomina sa Mayor Lim Dragonboat C’ships
MANILA, Philippines - Halos mawalis ng Philippine Navy ang First Ma-yor Alfredo Lim Dragonboat Championships ng Phi-lippine Canoe Kayak Federation (PCKF) noong Linggo sa Manila Bay sa Roxas Boulevard sa Maynila.
Ito ay matapos pamunuan ng Navy ang women’s 10-seater 250-meter final mula sa bilis na isang minuto at 19.61 segundo na 1.71 segundo ang agwat kontra sa PDRT-A (1:21.32).
Nagdomina din ang Navy team sa 20-seater mixed 250-meter final sa isinumite nilang 2:11.21 upang talunin ang Manila Wave Thunder (2:13.97), PDRT (2:14.81) at Laguna Rapids A (2:15.11).
Pinigil naman ng Lake Buhi ang pagwalis ng Navy nang pagharian ang men’s 20-seater 250-meter final sa tiyempong 1:04.84 kasunod ang Lake Buhi Sinarapan (1:05.94) at Navy (1:10.08).
Pinangunahan nina Lim at PCKF secretary general Jonne Go, ang bagong hirang na direktor ng Philippine Olympic Committee, ang dragon eye-dotting ceremony sa event na nakahugot ng 500 paddlers mula sa 19 koponan.
- Latest