Kaibigan (219)

“Hindi ako makapaniwala na ma­tatapos na ang resort, Dex. At ang ganda!’’ sabi ni Lara na namamangha sa kagandahan ng resort.

“Lalo kang magugulat kapag natapos na ang swimming pool. Kakaiba sa lahat ng dahil may artipisyal na alon. Parang nasa dagat.’’

“Talaga?’’

“Oo. Wala pang resort na nakakagawa ng ganyan.’’

“E di mag-eenjoy ang mga bata?’’

“Oo. Bukod sa may paglalaruan sila rito, may­roon pang artipisyal na dagat.’’

“Ilan bang kubo ang ipatatayo mo?’’

“Mga twenty. So far, ang naitatayo ay 15 kubo na. Baka next week, tapos na lahat. At sa pag-uumpisa ng summer, one month from now, mag-oope­rate na tayo.’’

“Tamang-tama sa summer, Dex! Ang galing ng naisip mo!’’

“Sabi ko naman sa’yo, maniwala lagi na mang­yayari ang gusto kapag pinagsikapan.’’

Sa tindi ng kasiyahan, niyakap ni Lara si Dex.

MAKALIPAS ang isang buwan, binuksan­ na nina Dex ang KING’S RESORT. Du­magsa ang tao. Mara­ming nanggaling pa sa Maynila at iba pang lugar.

Hindi makapaniwala sina Lara at Dex na ganun karami ang mga taong magtutungo sa resort. Maraming gustong magbabad sa malamig na tubig.

(Itutuloy)

Show comments