Kaibigan (95)
October 3, 2022 | 12:00am
‘‘Bakit ba ayaw mo nang umuwi sa inyo, Tess?’’ tanong ni Dex habang nasa sopa sila. Nakaunan sa hita ni Dex si Tess.
‘‘Basta.’’
‘‘Anong basta? Para kang bata.’’
‘‘May problema.’’
‘‘Anong problema? Sabihin mo at baka makatulong ako.’’
‘‘Mabigat.’’
‘‘Ano nga?’’
‘‘Tungkol sa mama ko. May kinakasamang mas bata pa sa akin. Hindi ko na masikmura.’’
Natigilan si Dex. Mabigat nga.
‘‘Ikuwento mo nga at naguguluhan ako.’’ (Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
Recommended