^

True Confessions

Kaibigan (38)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang umaga na papasok si Dex sa trabaho, kina­usap siya ni Lara.

“Salamat sa pagtulong mo sa amin, Dex. Ang laki nang binayaran mo sa ospital at ngayong hindi pa makakapagtrabaho si King, tiyak aasa kami sa iyo. Wala naman kaming ibang aasahang tutulong sa amin.’’

“Huwag kang mag-alala, Lara. Parang kapatid ko na kayo ni King at kahit anong mangyari, hindi ko kayo pababayaan. Narito ako para tumulong sa inyo. Lagi kong sinasabi kay King na huwag siyang mag-worry. Nabanggit din kasi sa akin ni King ang mga yan noong hindi pa siya lumalabas sa ospital at sabi ko, huwag siyang mamroblema at ako ang bahala sa lahat.’’

“Salamat Dex.’’

‘‘Napapansin ko naman  na lagi kang walang kibo, Lara. May problema ba?’’

‘‘Naiisip ko lang kasi ang problema namin ni King sa pamilya ko. Hindi ko maiwasang isipin na itinakwil na kami ng parents ko. ‘Yun ang dahilan kaya lagi akong walang kibo, Dex.’’

‘‘Sabi ko na nga ba at ‘yun pa rin ang problema. Payo ko lang, huwag n’yo nang gaanong isipin ‘yun. Lilipas din ang lahat. Lahat ay may katapusan.’’

‘‘Ganyan nga ang lagi kong iniisip Dex pero hindi rin basta mawala sa isip ko ang lahat nang nangyari.’’

‘‘Pilitin mo, Lara. Huwag mo nang gawing problema ang isang hindi naman dapat problemahin. Sinasayang mo lang ang energy sa pag-iisip.’’

Napatungo si Lara.

Nag-isip nang malalim.

‘‘Sa halip na aksayain ang pag-iisip sa bagay na ‘yun, ituon mo sa ibang pagkakaabalahan.’’

Napatango si Lara.

Saka tumunghay at nagsalita.

‘‘Maraming salamat Dex. Susundin kita.’’

Napatango na lang si Dex. Nasisiyahan siya at naliwanagan si Lara.

Nang mga sumunod na araw, nakita niyang masigla na si Lara. Hindi na walang kibo.

Asikasung-asikaso nito si King. Nakita rin niya ang walang kupas na pagmamahalan ng dalawa. Walang makakatulad na pagmamahalan. Salamat at sinusunod ni Lara ang ipinayo niya.

(Itutuloy)

DEX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with