Monay (179)

Magkasabay na naglakad sina Joem at Monay patungo sa building kung saan naroon ang kanilang classroom.

‘‘Nanggaling na ako kanina sa classroom natin,’’ sabi ni Joem.

‘‘Ah, anong itsura?’’

‘‘Marami nang nabago.’’

‘‘Ang tagal na kasi. Mahigit twenty years na ang nakalipas di ba?’’

‘‘Pero parang kailan lang ano?’’

‘‘Oo pero sa twenty years, ang daming nang­­yari sa atin. Ako nagkaasawa, nagka­anak at nabiyuda, ikaw umasenso nang todo at nabiyudo. Ano pa ba?’’

‘‘Natupad ang gusto mong makatira sa US.’’

‘‘Hindi ko masyadong gusto ‘yun. Di ba sabi ko sa’yo mas gusto ko rito kaya lang…’’

‘‘Ah oo. Sinabi mo nga pala.’’

Nakarating sila sa gusali na kinaroroonan­ ng dati nilang classroom.

‘‘Marami ngang na­bago ano, Joem? Pero ganun pa rin ang ayos ng mga upuan. Dun tayo nakaupo sa ga­wing kaliwa di ba?’’

“Oo. Natatandaan mo pa pala ang sitting arrangement natin.’’

“Oo naman.’’

Maya-maya, lumabas na sila.

Nagtanong si Monay.

“Nagkaanak ba kayo ng misis mo?’’

“Hindi. Kaya nga ma­­­syado akong nalung­kot.’’

“Bakit hindi kayo nagkaanak?’’

“Mas matanda siya sa akin ng 25 years. Hindi na puwedeng ma­nganak.’’ (Itutuloy)

Show comments